Krik krik..tunog ng walanghiyang sahig ng pangatlong palapag ng letseng bahay na aming tinitirhan.Di ko malaman kung ako ba'y tatayo't maninigarilyo o putsang magmurang malakas para sa wakas ako'y makapagpahinga na't makatulog.Nakakapang-init ulong hagikhikan at bulungan ang tanging naririnig ng walanghiyang tenga na to. Maya't maya pa, aking naramdaman ang mahinang pagyugyog ng bahay na di ko malama't kung ilang intensidad ng lindol ang nararanasan.Tanging ang una kong hinawakan eh ang mismong aking telepono na kung ilang taon ko ng pag-aari na kung bakit di ko mabitawbitawan at mapalit-palitan. Kailangan kong tumawag sa aking ina para humingi ng tulong na sa gabing iyon ay nagtatrabaho't di ko alam kung nung mga oras na yon ay nagpapahid ng pwet ng mga ulyanin.Pagkalaon ng mga ilang minuto,tumigil ang pagyugyog at mahinang yabag sa itaas sa pangatlong palapag ang aking naramdaman.Unang plano ng pagtawag ay aking naipagpaliban. Aking napagmuni-muni na ang mismong sentro ng lindol eh mismong aming kinatitirikan.Telepono ko'y aking dinampot at desididong tinawagan ang aming kasambahay na sa oras na iyon ay di ko malaman kung ang kanyang mata ba'y parang araw na parang nakatirik katulad ng araw sa oras ng pananghalian.Maya't maya pa,yabag pababa at sigawan ang aking narinig."Get the hell outta my house!"Sabi ng babae sa puting lalaki na sa aking tantya ay mas bata pa ng sampung taon sa kanyang kasigawan.Bug!Kalabog ng pinto.Ilang segundo pang katahimikan ang bumalot sa kapaligiran.Hilik na sunod-sunod mula sa aking bibig ang tanging narinig.
Kinabukasan, habang ako'y nag aalmusal ng pinritong itlog na ipinalaman sa tinapay,pinakikinggan ko ang usapan ng bagong dating na nanay at ng aming kasambahay.May naulinigan akong tawanan at hagisan ng biruan."Pag ganyan kasing may kadate ka, patayin mo ang iyong telepono." Sabi ng aking ina habang sumisimsim ng mainit na kape."Eh malay ko ba naman na sa oras ba namang un maisipan pa ni *****(dating malapit na kaibigan) na tumawag sakin!Putsa sablay tuloy!".Sa aking pag-isip isip buti na nga lang pala at naisipan kong gamitin ang pinakabago kong simcard na di ko man lang nagamit magmula ng aking bilhin.Pagkaraa'y tahimik nako't gumayak paalis para simulan na ang gawaing pinagkukuhanan ko ng pambayad sa katakot-takot kong utang. Sa pag umpisa ng aking paglalakad ni katiting na pagsisisi sa aking ginawa ng nakalipas na gabi ay wala akong maramdaman.Pasalamat pa siya't nakatulong ako kahit papaano sa pag-ahon sa kanyang paulit-ulit na pagkakasadlak sa putikan.Malay ko ba kung nakapagbitbit sila ng pangproproteksyon na kung hindi ay sa lumao't sandali pa ay problema pa't bibilog na naman ang kanyang maganda't pinaka ingat ingatang tyan. Kung sa ganun pala,madadagdagan na naman ang kanyang koleksyong manika na gawa sa iba't ibang uri ng nagagandahang imported na semilya.
Reunion
16 years ago
0 comments:
Post a Comment